Tuesday, 29 January 2013

Ano ngani ang Impostor?


Ang gustong sabihin ng impostor, na pwede rin palang sabihin din na “imposter” ay isang taong nagabalatkayo, nagakunwari, nagapanglinglang tungkol sa kanyang pagkatao. Ang tanging dahil ay para umarangkada ang kanyang ambisyon sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga tao sa lipunang kanyang inagalawan.
Sabi ni Father, sanay na ang impostor sa pagmamanipula sa pamamagitan ng pag-akto at pagsasalita na siya ay maimpluwensiya, kamag-anak niya si ganito-ganoon, asawa niya si ganito-ganoon, at siya ay umupo na bilang ganito-ganoon. Ang manggulat at manindak sa pamamagitan ng pagsasagawa ng drama na siya dapat lagi ang bida, ang kanyang regular na gawain. Dapat daw na ipamukha sa masa na sya ay kagilagilalas. Kagilagilalas ngani wari na masasabi na sampahan ka ng kaso kaliwa-kanan dahil sanay sa pagtatago sa likod ng mga abogado.
Social engineering din pala ang tawag sa ganring pagmamanipula, na plinano at masusing inasagawa ngani para ang katotohanan ay baluktutin, para ang kasinungalingan ay panatilihin. Para sa pagpasok sa kanyang silid ng impostor ay doon akausapin ang sarili, humalakhak at patungkol sa masa ay mamutawi sa labi ang ganito, “mga mahihirap, mga ignorante, mga tanga, mga bayaran, mga walang alam, hahahahahaha!”

No comments:

Post a Comment