Tuesday, 8 January 2013

Regina Reyes-Mandanas

Kuha ito noong umattend si Regina Reyes-Mandanas bilang asawa ni Rep. Hermilando Mandanas noong State of the Nation Address (SONA) July 2010, at may kaukulang artikulo sa link na ito.

Walang kaabog-abog ang pagpapakilala ni Regina “Gina” Reyes, wala ring kaabog-abog ang pagpapakilala ng kanyang inang gobernadora sa anak na si Gina bilang “Mrs. Regina Victoria Reyes-Mandanas”, dahil ayon sa kanila ay asawa niya si Rep. Hermilando I. Mandanas ng Batangas.  Kaya’t sa mga tarpulin na pinapagwagwagan sa buong Marinduque ay malalaking titik ang nagapakilala kay Gina bilang "Regina Victoria Reyes-Mandanas" o "Regina Reyes-Mandanas". Ganoon din ang nakadisplay sa opisyal na website ng Kapitolyo ng Marinduque ng buong pangalan ng babaing nasabi.

Hindi pa sapat yun, at maging sa Direktoryo ng Congressional Spouses of the House of Representatives ay ganun din ang nakatala. Sa kopya ng Direktoryong nasabi na ang nilagay niyang kanyang tirahan ay Bauan, Batangas at 135 JP Rizal, Barangay Milagrosa, QC ay ATTY. REGINA R. MANDANAS, “Wife of Rep. Hermilando I. Mandanas” din ang kanyang pinangalandakan.

Pinangalandakan din sa alta sosyedad at sa mga taga-Marinduque sa mga pagpupulong at pagtitipon na sila ni Congressman Hermilando I. Mandanas ay tunay na mag-asawa at kasal. May itinala pa itong impormasyon sa Direktoryong nabanggit na ang kanilang wedding anniversary ay “22 August”.

Nang itinalaga si Gina ng kanyang inang Gobernadora bilang Provincial Administrator ng Marinduque, ay “REGINA VICTORIA REYES-MANDANAS” ang ginamit sa lahat ng opisyal na dokumento tulad ng appointment papers at service record.

Ngayon naman, sa sinumpaan niyang Certificate of Candidacy (COC) na kanyang sinumite sa COMELEC bilang kandidata sa pagka-Kongresista idineklara niya na siya ay SINGLE. Ano ang mga misteryong nasa likod ng mga pagsisinungaling na ito? Ano ang misteryo sa likod ng pag-gamit ni Gina ng iba’t ibang pangalan, kapanganakan, address, civil status, residency status at iba pa? Para sa kaliwanagan ay ilalahad po natin punto por punto!

No comments:

Post a Comment