Simbahan lumarga na vs political dynasty
Hinikayat ng Simbahang Katoliko ang mga botante na huwag piliin sa eleksyon ngayong Mayo at huwag bigyan ng tsansang maka-eksena sa serbisyo-publiko ang mga kandidatong nahahanay sa political dynasty.
Sinabi ni Father Joe Dizon, lead convenor ng Solidarity Philippines at grupong Kontra Daya, na ang hindi pagboto sa mga kandidatong kabilang sa political dynasty ay isang paraan para maipamukha ng taumbayan na tutol sila sa mga naghaharing angkan ng mga pulitiko.
"…naniniwala ang Solidarity Philippines at Kontra Daya na ang political dynasty sa ating bansa ay dapat itigil at 'yan ay nasa ating Konstitusyon.
Batay sa pag-aaral namin lahat ng mga probinsya natin sa Pilipinas na pinatakbo ng political dynasty for a long, long time ay mas humirap ang kalagayan ng mga tao hanggang ngayon," paghahayag ng pari.
Samantala, naniniwala naman si Lipa Archbishop Ramon Arguelles na kailangan na umanong baguhin ang sistema sa bansa dahil animo'y anay umanong gumagapang ang korapsyon bunsod ng pamamayagpag ng political dynasty.
"Kontrolado nila ang ekonomiya, ang pagnenegosyo, mga projects. Hindi naman nag-umpisa sa highest level ang political dynasty. Karamihan sa mayor muna, konsehal, gobernador, congressman.
Sila't sila ang nagpapalitan, mga magkakapatid, magkakamag-anak," pahayag ni Archbishop Arguelles.
Kaugnay pa rin dito, isinusulong naman ni Malolos Bishop Jose Oliveros ang people's initiative para kontrahin ang political dynasty sa bansa.
Nilinaw ng obispo na puwedeng magkaroon ng people's initiative para magkaroon ng enabling laws at magagawa ito kung idadaan sa signature campaign at kinakailangang makakuha ng 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga botante.
No comments:
Post a Comment