Tuesday, 8 January 2013

Regina R. Dionisio, panibagong pangalan

Regina

Sa kadahilanang ikinasal si Regina sa isang U.S. citizen ay natural na maaprubahan ang kanyang permanent residency status kaya't sa gaanitong paraan ay legal ang kanyang paninirahan sa Estados Unidos at para doon palakihin ang kanyang anak. Subalit pagdating ng 1996 nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa. Madali naman itong nagawan ng paraan ni Regina sa pamamagitan ng pakikipag-live in sa isa na namang Pinoy na U.S. citizen, si Saturnino Ador Dionisio.

Nanirahan si Regina sa bahay ni Dionisio sa Van Nuys California noon ding 1996. Nag-file si Regina ng divorce kay Abellana upang maging legal naman ang pagsasama nila ni Dionisio. Pagdating ng Hunyo 1997, ikinasal kay Dionisio si Regina na ngayon ay may mas bagong pangalan na: Regina R. Dionisio

Makaraan ang maikling panahon ay lumipat sila sa Simi Valley California noong 1998. Nagbunga ang kanilang pagsasama at ipinanganak ang isang batang lalaki noong 1999. Ito ang ikalawang anak ni Regina sa Amerika (upang mabigyan ng proteksyon ang inosenteng bata ay hindi na natin ito papangalanan). Subalit pagdating ng 2001, ang mag-asawa ay nagkahiwalay.

Naiwan sa solong kustodiya ni Dionisio ang dalawang bata, at ang malaking responsibilidad sa pagpapalaki at pagpapaaral sa dalawang batang lalaking menor de edad.

No comments:

Post a Comment