Tuesday, 8 January 2013

Regina R. Pena, Regina R. Avellana, mga nauna pang pangalan

Magsie Pena
Ang unang asawa ni Regina Victoria Reyes na si Magdaleno “Magsie” Pena mandin ang siya ring tinaguriang “Maxie Pena” na kasama ni babae sa Lupac, sa bayan ng Boac noong lumikha ng ingay at eskandalo ang dalawa sa buong Marinduque. Kung paano sila gumamit ng kamay na bakal at nilabag ang karapatang pantao ng mga taga-Lupac dahil lamang sa isang insidente ay dumagundong mandin sa bawat sulok ng Marinduque. Inihalintulad ng Simbahan at ng mga lokal na opisyales ang mga ginawang paglabag sa karapatang pantao ng dalawa sa kaguluhan sa bansa noong “panahon ng Hapon”. Mas masahol pa nga raw ang ginawa ng dalawa dahil Pilipino laban sa Pilipino ang naganap at hindi Hapon laban sa Pilipino.


Isang maikling background ng isang manunulat tungkol kay Magsie Pena ang sumusunod: May mababasa pa rin sa link na ito.

“But the truth is, I have borne witness to a great injustice that tries to be a smaller replica of the days when Marcos was in power over the whole Philippines. I'm talking about an age of an iron hand rule and a clear intent to remain power using whatever means possible… Since I was in fifth grade, I have considered that place to be a very peaceful and lively place to be in. However, things changed since the day that this man was elected to the mayoralty through illicit means: Mayor Magdaleno Peña, the same guy who had been embroiled in a wife beating issue with Plinky Recto years ago.

Mr. Peña has shown all along that he will rule things through an iron hand. Personal life and marital matters don't make a difference. Since he has succeeded in his decades-long desire to become mayor of Pulupandan, Mr. Peña has changed the environment of Pulupandan. No longer is it the same peaceful yet lively municipality that I have been to since my childhood, but its environment is more or less the same as the one that my grandparents and parents must have endured during Martial Law from 1972-1986.”

Kayat sa simula ay tila hiyang at nakahiligan na ni Regina ang daigdig ng karahasan.   Nagkahiwalay rin ang dalawa at sumibat papuntang Amerika si babae dala ang isang matinding personal na lihim na alam niyang matatapos sa isang kagimbal-gimbal na katapusan kapag nalaman ng kaniyang asawa. Si Regina R. Pena, pangalang gamit niya noon, na bagong salta sa Amerika ay kailangang lumikha ng panibagong katauhan. Sa madaling salita upang siya ay magtagal sa U.S. ay kailangang makakuha siya ng green card o permanent residence.


Eddie Avellana
Ano ang pinakapraktikal na paraan para maisagawa ito? Tulad ng ginagawa ng ilang kababayan natin, ang magpakasal sa isang kababayan sa Amerika na U.S. citizen. Kasama na rito ang pagpepeke ng mga personal na papeles tulad ng birth certificate. Nagpakasal nga si Regina O. Reyes kay Eddie Avellana, nanirahan sa Glendale, California at nagsama mula 1991 hanggang 1996. Ipinanganak ni Regina ang isang batang lalaki noong July 1992. (Para maproteksyonan ang inosente ay hindi na natin ilalahad ang pangalan ng bata). Kanyat ang nilikhang katauhan ni Regina ng mga taong iyon ay may bago na namang pangalan: Regina R. Avellana.



No comments:

Post a Comment