Tuesday, 29 January 2013

Ano ngani ang Impostor?


Ang gustong sabihin ng impostor, na pwede rin palang sabihin din na “imposter” ay isang taong nagabalatkayo, nagakunwari, nagapanglinglang tungkol sa kanyang pagkatao. Ang tanging dahil ay para umarangkada ang kanyang ambisyon sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga tao sa lipunang kanyang inagalawan.
Sabi ni Father, sanay na ang impostor sa pagmamanipula sa pamamagitan ng pag-akto at pagsasalita na siya ay maimpluwensiya, kamag-anak niya si ganito-ganoon, asawa niya si ganito-ganoon, at siya ay umupo na bilang ganito-ganoon. Ang manggulat at manindak sa pamamagitan ng pagsasagawa ng drama na siya dapat lagi ang bida, ang kanyang regular na gawain. Dapat daw na ipamukha sa masa na sya ay kagilagilalas. Kagilagilalas ngani wari na masasabi na sampahan ka ng kaso kaliwa-kanan dahil sanay sa pagtatago sa likod ng mga abogado.
Social engineering din pala ang tawag sa ganring pagmamanipula, na plinano at masusing inasagawa ngani para ang katotohanan ay baluktutin, para ang kasinungalingan ay panatilihin. Para sa pagpasok sa kanyang silid ng impostor ay doon akausapin ang sarili, humalakhak at patungkol sa masa ay mamutawi sa labi ang ganito, “mga mahihirap, mga ignorante, mga tanga, mga bayaran, mga walang alam, hahahahahaha!”

Wednesday, 16 January 2013

Detalye mula sa County of Ventura sa kasong Child Support laban kay U.S. Citizen, Regina O. Reyes 2011-2012

Ilang detalye sa Complaint na isinampa ng COUNTY OF VENTURA laban kay U.S. citizen REGINA O. REYES, Defendant, noong Feb. 16, 2011 habang siya ay nakaluklok bilang Provincial Administrator ng Marinduque Provincial Government. Ang mga kaukulang pagkilos ng Korte ay isinagawa magmula noong Feb. 16, 2011 hanggang sa kabuuhan ng taong 2011 na kung saan kinailangang nasa Amerika si Regina para sa Kaso.

Pagkakasunod-sunod ng mga pagkilos ng Korte tungkol sa kasong isinampa ng Estado, sa pamamagitan ng COUNTY OF VENTURA, SUPERIOR COUR OF CALIFORNIA laban kay REGINA O. REYES hinggil sa CHILD SUPPORT, SUPORTA SA INABANDONANG ANAK na naiwan sa ikatlo niyang asawa, si G. DIONISIO.


Actions
Date                      Action
2/16/2011            DEPARTMENT OF CHILD SUPPORT SERVICES COMPLAINT FILED
2/16/2011            DEPARTMENT OF CHILD SUPPORT SERVICES # 20000000000849440
2/16/2011            CASE ASSIGNED TO COURTROOM 34 (FAMILY LAW)
2/16/2011            SUMMONS ISSUED, 30 DAY – ORIGINAL RETAINED IN COURT FILE
4/1/2011              PROOF OF SERVICE BY MAIL OF SUMMONS AND PETITION SERVED ON REGINA O. REYES, DATE OF MAILING 03/08/11
4/1/2011              NOTICE AND ACKNOWLEDGEMENT OF RECEIPT OF SUMMONS AND COMPLAINT OF  COUNTY OF VENTURA AS TO REGINA O. REYES FILED. SIGNED BY: JUSTIN J. SHRENGER. DATE SIGNED: 03/28/11
4/1/2011              JURISDICTION DATE: 03/28/11
4/20/2011            ASSOCIATION OF ATTORNEY FOR DEFENDANT REGINA O. REGINA FILED ASSOCIATING  VIOLET C. RABAYA WITH CURRENT COUNSEL OF RECORD JUSTIN J. SHRENGER
4/22/2011            ANSWER TO COMPLAINT OF COUNTY OF VENTURA FILED BY REGINA O. REYES, REPRESENTED BY JUSTIN J. SHRENGER. COPY FORWARDED TO DEPT. OF CHILD SUPPORT  SERVICES.
05/22/2011         MOTION CHILD SUPPORT, HEALTH CARE FILED BY COUNTY OF VENTURA FILED ON 05/12/11
5/12/2011            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF NOM-JMT,REG FOR ORDER,RESPONSE, INFO SHT, ETC SERVED ON L.O. OF THOMPSON,WHITE, KING & FRENCH, ATTY (NON-PARTY FILED DATE OF MAILING 05/12/11
5/12/2011            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF NOM-JMT,REQ FOR ORDER,RESPONSE, INTO SHT, ETC SERVED ON VIOLET C. RABAYA, ATT FOR REGINA REYES (NON-PARTY) FILED. DATE OF MAILING: 05/12/11
5/12/2011            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF NOM-JMT,REQ FOR ORDER,RESPONSE, INTO SHT, ETC SERVED ON VIOLET C. RABAYA, ATTY FOR REGINA REYES (NON-PARTY) FILED. DATE OF MAILING: 05/12/11
5/12/2011            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF FORM INTERROGATORIES, NTC TO APPEAR & PRODUCE SERVED ON REGINA O. REYES FILED. DATE OF MAILING 05/12/11
6/14/2011            MOTION CHILD SUPPRT, HEALTH CARE FILED BY COUNTY OF VENTURA FILED ON 1512/11
6/17/2011            NOTICE OF CONTINUANCE OR REVIEW FILED BY COUNTY OF VENTURA
6/17/2011            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF NTC OF CONTINUANCE OR REVIEW SERVED ON REGINA O. REYES FILED. DATE OF MAILING 06/17/11



6/17/2011            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF NTC OF CONTINUANCE OR REVIEW SERVED ON VIOLET C RABAYA ATTY (NON-PARTY) FILED DATE OF MAILING 06/17/11 6/30/2011           MOTION CHILD SUPPORT, HEALTH CARE FILED BY COUNTY OF VENTURA FILED ON 05/12/11
7/12/2011            ORDER AFTER HEARING (CORRECTED) FILED
7/13/2011            JUDGMENT REGARDING PARENTAL OBLIGATIONS FILED
7/18/2011            NOTICE OF ENTRY OF JUDGMENT FILED AND MAILED TO REGINA O. REYES
7/18/2011            NOTICE OF ENTRY OF JUDGMENT AND PROOF OF SERVICE BY MAIL FILED (JUDGMENT ENTERED ON 07/12/11)
11/10/2011         DECLARATON OF VIOLET C. RABAYA RE: ATTACHED SUPPORTING DOCS FILED BY REGINA O. REYES
11/10/2011         INCOME AND EXPENSE DECLARATION FILED BY REGINA O. REYES
11/15/2011         REVIEW HEARING RE: CHILD SUPPORT
11/18/2011         ORDER AFTER HEARING FILED
11/28/2011         PROOF OF SERVICE BY MAIL OF ORDER AFTER HEARING SERVED ON REGINA O. REYES FILED. DATE OF MAILING 11/28/11
11/28/2011         PROOF OF SERVICE BY MAIL OF ORDER AFTER HERING SERVED ON VIOLET C. RABAYA, ESQ (NON-PARTY) FILED. DATE OF MAILING 11/28/11
11/28/2011         PROOF OF SERVICE BY MAIL OR ORDER AFTER HEARING SERVED ON SATURNINO ROY SY ADOR DIONISIO FILED. DATE OF MAILING 11/28/11
11/28/2011         PROOF OF SERVICE BY MAIL OR ORDER AFTER HEARING SERVED ON WAYNE T KING, ESQ (NNON-PARTY) FILED. DATE OF MAILING 11/28/11
2/9/2012              CASE ASSIGNED TO COURTROOM 36 DUE TO JUDICIAL REASSIGNMENT
5/16/2012            NOTICE REGARDING PAYMENT OF SUPPORT (LOCAL CHILD  SUPPORT AGENCY NO LONGER PROVIDING SERVICES) FILED
5/16/2012            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF NOTICE REGARDING PAYMENT OF SUPPORT SERVED ON REGINA O. REYES FILED. DATE OF MAILING 05/16/12
5/16/2012            PROOF OF SERVICE OF NOTICE REGARDING PAYMENT OF SUPPORT SERVED ON ATTORNEY/FIRM VIOLET C RABAYA ON 05/16/12 FILED
5/16/2012            PROOF OF SERVICE BY MAIL OF NOTICE REGARDING PAYMENT OF SUPPORT SERVED ON SATURNINO ROY SY ADOR DIONISIO FILED. DATE OF MAILING 05/16/12
5/16/2012            PROOF OF SERVICE OF NOTICE REGARDING PAYMENT OF SUPPORT SERVED ON ATTORNEY/FIRM WAYNE T. KING ON 05/16/12 FILED.




Ang kaso ay na-reassign sa Courtroom 36 noong Feb. 9, 2012 at nagkaroon ng Kapasyahan hinggil sa PAGBABAYAD NG SUPORTA SA BATA noong Mayo, 16, 2012.

Detalye naman ng mas naunag Kaso laban kay REGINA DIONISIO (REGINA O. REYES) na isinampa ng kanyang asawa, SATURNINO ROY DIONISIO Feb. 9, 2001


Tuesday, 8 January 2013

Regina R. Dionisio, panibagong pangalan

Regina

Sa kadahilanang ikinasal si Regina sa isang U.S. citizen ay natural na maaprubahan ang kanyang permanent residency status kaya't sa gaanitong paraan ay legal ang kanyang paninirahan sa Estados Unidos at para doon palakihin ang kanyang anak. Subalit pagdating ng 1996 nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa. Madali naman itong nagawan ng paraan ni Regina sa pamamagitan ng pakikipag-live in sa isa na namang Pinoy na U.S. citizen, si Saturnino Ador Dionisio.

Nanirahan si Regina sa bahay ni Dionisio sa Van Nuys California noon ding 1996. Nag-file si Regina ng divorce kay Abellana upang maging legal naman ang pagsasama nila ni Dionisio. Pagdating ng Hunyo 1997, ikinasal kay Dionisio si Regina na ngayon ay may mas bagong pangalan na: Regina R. Dionisio

Makaraan ang maikling panahon ay lumipat sila sa Simi Valley California noong 1998. Nagbunga ang kanilang pagsasama at ipinanganak ang isang batang lalaki noong 1999. Ito ang ikalawang anak ni Regina sa Amerika (upang mabigyan ng proteksyon ang inosenteng bata ay hindi na natin ito papangalanan). Subalit pagdating ng 2001, ang mag-asawa ay nagkahiwalay.

Naiwan sa solong kustodiya ni Dionisio ang dalawang bata, at ang malaking responsibilidad sa pagpapalaki at pagpapaaral sa dalawang batang lalaking menor de edad.

Regina R. Pena, Regina R. Avellana, mga nauna pang pangalan

Magsie Pena
Ang unang asawa ni Regina Victoria Reyes na si Magdaleno “Magsie” Pena mandin ang siya ring tinaguriang “Maxie Pena” na kasama ni babae sa Lupac, sa bayan ng Boac noong lumikha ng ingay at eskandalo ang dalawa sa buong Marinduque. Kung paano sila gumamit ng kamay na bakal at nilabag ang karapatang pantao ng mga taga-Lupac dahil lamang sa isang insidente ay dumagundong mandin sa bawat sulok ng Marinduque. Inihalintulad ng Simbahan at ng mga lokal na opisyales ang mga ginawang paglabag sa karapatang pantao ng dalawa sa kaguluhan sa bansa noong “panahon ng Hapon”. Mas masahol pa nga raw ang ginawa ng dalawa dahil Pilipino laban sa Pilipino ang naganap at hindi Hapon laban sa Pilipino.


Isang maikling background ng isang manunulat tungkol kay Magsie Pena ang sumusunod: May mababasa pa rin sa link na ito.

“But the truth is, I have borne witness to a great injustice that tries to be a smaller replica of the days when Marcos was in power over the whole Philippines. I'm talking about an age of an iron hand rule and a clear intent to remain power using whatever means possible… Since I was in fifth grade, I have considered that place to be a very peaceful and lively place to be in. However, things changed since the day that this man was elected to the mayoralty through illicit means: Mayor Magdaleno Peña, the same guy who had been embroiled in a wife beating issue with Plinky Recto years ago.

Mr. Peña has shown all along that he will rule things through an iron hand. Personal life and marital matters don't make a difference. Since he has succeeded in his decades-long desire to become mayor of Pulupandan, Mr. Peña has changed the environment of Pulupandan. No longer is it the same peaceful yet lively municipality that I have been to since my childhood, but its environment is more or less the same as the one that my grandparents and parents must have endured during Martial Law from 1972-1986.”

Kayat sa simula ay tila hiyang at nakahiligan na ni Regina ang daigdig ng karahasan.   Nagkahiwalay rin ang dalawa at sumibat papuntang Amerika si babae dala ang isang matinding personal na lihim na alam niyang matatapos sa isang kagimbal-gimbal na katapusan kapag nalaman ng kaniyang asawa. Si Regina R. Pena, pangalang gamit niya noon, na bagong salta sa Amerika ay kailangang lumikha ng panibagong katauhan. Sa madaling salita upang siya ay magtagal sa U.S. ay kailangang makakuha siya ng green card o permanent residence.


Eddie Avellana
Ano ang pinakapraktikal na paraan para maisagawa ito? Tulad ng ginagawa ng ilang kababayan natin, ang magpakasal sa isang kababayan sa Amerika na U.S. citizen. Kasama na rito ang pagpepeke ng mga personal na papeles tulad ng birth certificate. Nagpakasal nga si Regina O. Reyes kay Eddie Avellana, nanirahan sa Glendale, California at nagsama mula 1991 hanggang 1996. Ipinanganak ni Regina ang isang batang lalaki noong July 1992. (Para maproteksyonan ang inosente ay hindi na natin ilalahad ang pangalan ng bata). Kanyat ang nilikhang katauhan ni Regina ng mga taong iyon ay may bago na namang pangalan: Regina R. Avellana.



Regina Reyes-Mandanas

Kuha ito noong umattend si Regina Reyes-Mandanas bilang asawa ni Rep. Hermilando Mandanas noong State of the Nation Address (SONA) July 2010, at may kaukulang artikulo sa link na ito.

Walang kaabog-abog ang pagpapakilala ni Regina “Gina” Reyes, wala ring kaabog-abog ang pagpapakilala ng kanyang inang gobernadora sa anak na si Gina bilang “Mrs. Regina Victoria Reyes-Mandanas”, dahil ayon sa kanila ay asawa niya si Rep. Hermilando I. Mandanas ng Batangas.  Kaya’t sa mga tarpulin na pinapagwagwagan sa buong Marinduque ay malalaking titik ang nagapakilala kay Gina bilang "Regina Victoria Reyes-Mandanas" o "Regina Reyes-Mandanas". Ganoon din ang nakadisplay sa opisyal na website ng Kapitolyo ng Marinduque ng buong pangalan ng babaing nasabi.

Hindi pa sapat yun, at maging sa Direktoryo ng Congressional Spouses of the House of Representatives ay ganun din ang nakatala. Sa kopya ng Direktoryong nasabi na ang nilagay niyang kanyang tirahan ay Bauan, Batangas at 135 JP Rizal, Barangay Milagrosa, QC ay ATTY. REGINA R. MANDANAS, “Wife of Rep. Hermilando I. Mandanas” din ang kanyang pinangalandakan.

Pinangalandakan din sa alta sosyedad at sa mga taga-Marinduque sa mga pagpupulong at pagtitipon na sila ni Congressman Hermilando I. Mandanas ay tunay na mag-asawa at kasal. May itinala pa itong impormasyon sa Direktoryong nabanggit na ang kanilang wedding anniversary ay “22 August”.

Nang itinalaga si Gina ng kanyang inang Gobernadora bilang Provincial Administrator ng Marinduque, ay “REGINA VICTORIA REYES-MANDANAS” ang ginamit sa lahat ng opisyal na dokumento tulad ng appointment papers at service record.

Ngayon naman, sa sinumpaan niyang Certificate of Candidacy (COC) na kanyang sinumite sa COMELEC bilang kandidata sa pagka-Kongresista idineklara niya na siya ay SINGLE. Ano ang mga misteryong nasa likod ng mga pagsisinungaling na ito? Ano ang misteryo sa likod ng pag-gamit ni Gina ng iba’t ibang pangalan, kapanganakan, address, civil status, residency status at iba pa? Para sa kaliwanagan ay ilalahad po natin punto por punto!

Monday, 7 January 2013

Mag-isip at lagyan na ng tuldok


Paano mo apagkatiwalaan isipa
Sa pangalan pa laang ay iba-iba ang gamit niya
Araw ng kapanganakan ganun din iba-iba
Kayat iba-iba rin ang naging asawa

Sa lahat ng ito ay tunay tama ka
Dapat mayrong sapat na ibidensiya
Kayat kung ibidensiya ang hanap mo katao
Maiging subaybayan ang pahinang ito

Kung mayron kang malasakit sa bayan mong sawi
Maiging magkaroon ng kaalaman lagi
Nang hindi na maulit ang pasakit mandin
Ng mga taong itong tagahasik ng dilim

Lagyan na ng tuldok sa lupaing mabundok
Ang paghahari ng ganid at sa yama'y dayukdok
Sa buhay mong wagas mag-alay ng panahon
Sa laya ng isip at sa karalitaa'y maahon

Babaing Mahalay



Kawikaan 2: 14-19


14
Mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan,
ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan.
15 Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan,
sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
16 Malalayo ka sa babaing mahalay,
at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay.
17 Siya ay babaing hindi tapat sa asawa;
ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya.
18 Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan,
at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.
19 Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay,
at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay.