Comelec, binaha ng disqualification case
Ni Raymund F. Antonio/ Manila Bulletin
Isang araw matapos ianunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na inalis na nito ang P10,000 filing fee sa disqualification case, binaha naman kahapon ang ahensiya ng mga petisyon na nagpapadiskuwalipika ng mga kandidato na tumatakbo sa May 2013 elections base sa iba’t ibang dahilan.
Kabilang sa mga dahilan sa pagpapadiskuwalipika ng ilang mga kandidato ay ang pagkakasintensiya sa isang krimen o pagiging isang foreign citizen.
Kabilang sa mga dahilan sa pagpapadiskuwalipika ng ilang mga kandidato ay ang pagkakasintensiya sa isang krimen o pagiging isang foreign citizen.
Sa Marinduque, hiniling sa Comelec na kanselahin ang certificate of candidacy (CoC) ni Regina Ongsiako Reyes na tumatakbo sa pagkakongresista dahil siya umano ay isang American citizen.
Ang reklamo laban kay Reyes ay inihain ni Joseph S. B. Tan, isang rehistradong botante ng Torrijos.
Ayon kay Tan, nakuha ni Reyes ang US citizenship noong 2005 at ito ay nagmamay-ari ng US Passport No. 306278853.
“Reyes did not apply for dual citizenship, and even if she did, there is no record that she renounced her US citizenship,“ ani Tan.
“Again, this is a ground for cancellation of her CoC since she was a permanent resident of the United States prior to her grant of US citizenship,“ dagdag ni Tan.
Nagpahayag ng pangamba ang Comelec na posibleng marami pa ang maghahain ng disqualification case dahil hindi na kailangang bumunot pa sa bulsa ng P10,000 ang mga maghahain ng petisyon laban sa isang kandidato.
No comments:
Post a Comment