Tuesday, 26 February 2013

Regina Reyes, Cong Mandanas at Exodus 23:1-2

Mandanas, Regina Reyes-Mandanas /Regina O. Reyes


Ayu! Nagsalita na pala si Cong. Mandanas ng Batangas sa Kongreso bilang tugon sa privilege speech ni Cong. Velasco. Sabi ni Mandanas: “Incidentally, Atty. Regina O. Reyes is my canonical spouse, Mr. Speaker.” – Cong. Mandanas.

Ayu! Hindi pinaliwanag ni Mandanas kung bakit “SINGLE” ang nilagay ni Regina O. Reyes sa kanyang CoC? Hindi rin binanggit ang legal na basehan, dahil wala ngani, sa pag-gamit ng “Regina Reyes-Mandanas” bilang Provincial Administrator. Simple laang mandin yun. Ay di ilabas ang marriage contract. Ilabas ng kapitolyo para patunayan na may prinisinta si Gina bago siya ma-appoint na administrator bilang isa lamang sa maraming rekisitos.

Pero kapag may nilabas namang marriage contract ay maaaring lalong mabaon ang mga kinauukulan. Bakit kamo?

Mga kasal ni Regina O. Reyes:

Kasal si Regina Reyes kay Magdaleno Pena sa Pilipinas. Kinasal din si Regina Reyes kay Eddie Avellana sa Estados Unidos. Na-divorce sila noong December 4, 1996. Kinasal namang muli si Regina kay Saturnino Dionisio noong June 5, 1997. Na-divorce sila noong  May 1, 2002.

Ano naman ang legal na basehan ng kasal diumano nina Regina Reyes at Cong. Mandanas? Ano ang legal na basehan sa pag-gamit ni Regina ng pangalang “Regina Reyes-Mandanas” na idineklara niya para maging miyembro ng Congressional Spouses of the Philippines? Bakit hindi sagutin at puro paligoy-ligoy pa? "Canonical spouse"? Baka wari magalit lalo ang Opus Dei, Mr. Mandanas.

Hindi daw bad faith ang pag-gamit ng pekeng birth certificate:

Tungkol sa iba’t-ibang taon ng kapanganakan na ginamit ni Regina O. Reyes at pinatunayan under oath, ito ang pahayag ni Mandanas: “Probably it falls under the vanity of a woman but with no bad faith”, sabi ni Mandanas.

“No bad faith” na maituturing ang magpresenta ng pekeng birth certificate sa Comelec? “No bad faith” ang makakuha ng pasaporteng Pilipino gamit ang pekeng birth certificate bilang karagdagan sa iba pang passport gamit naman ang iba pang birth certificate?

“No bad faith” din ang gamitin ang ibang petsa ng kapanganakan sa iyong mga kasal? At wala pa namang dibursyo sa Pilipinas, meron baga? Kayat “KASAL” sa una o ikalawa o ikatlong asawa ang Regina dahil hindi tanggap ang dibursyo sa Pilipinas. Kasal pa diumano sa ikaapat (Mandanas). May tawag yata sa taong paulit-ulit ikinakasal.

“No bad faith” ang magpalsipika ng isang pampublikong dokumento? Maari na nating gawin ngayon ang mag-falsify ng public document at gamitin ang “vanity” bilang argumento? Aling batas kaya ang naipasa ni Mandanas na may ganitong patakaran?

Isang mambabatas at isang gustong maging mambabatas ang sangkot dito, kababayan. Hindi kaya masasabing ito ay malaking panglilinlang sa mga Pilipino?

US Citizenship ni Regina O. Reyes:

Sa pagiging US Citizen ni Regina Reyes, ito ang sabi ni Mandanas:

“At one time, she acquired US citizenship, and within one year, she acquired back her Philippine citizenship under the Dual Citizen Law.”, sabi ni Mandanas.

Lalo nganing mababaon ang magasabi ng hindi totoo. Sabi sa Exodus 23:1-2:



1 "Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling. 2Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama; ni magbibigay patotoo man sa isang usap, na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan."

Hindi totoo ang tinuran ng ating mambabatas. Patotoo ang record ng Bureau of Immigration sa mga pagbalik-masok ni Regina O. Reyes sa Pilipinas gamit ang US passport niya mula 2005-2012. Mga walong taong singkad iyon, kaibigan. Wala ring patunay na nag-apply ng Dual Citizenship si Regina, at higit walang record na siya ay nag-renounce ng US Citizenship. Kung paano nagkaroon ng higit sa isang pasaporteng Pilipino ang taong ito na may ibat-ibang petsa ng kapanganakan ay may hiwalay na istorya ng panghuhuwad.

Nanatiling tahimik diumano si Ate Gina sa usapin ng US Citizenship mula nang may nag-petition sa Comelec na ipawalang bisa ang kanyang CoC dahilan nga po sa pagbibigay ng mga maling impormasyon na tinataguriang material information. Kapag ito ay sinuway ay mahuhuli ka.

Kapag mayron namang pumiyok ngani at “maging saksi kang sinungaling” ay baka lalong umusok mandin. Bawal sa Diyos iyan.


No comments:

Post a Comment