Thursday, 21 March 2013

Pasakalye sa sistemang bulok ng mga Reyes ng Marinduque


Si Regina Ongsiako Reyes alias Regina Victoria Reyes-Mandanas ay itinalaga ng ina nitong governadora Carmencita O. Reyes bilang Executive Assistant for Information and Public Relations sa Provincial Governor's Office (PGO) mula April 16, 2012 HANGGANG SA KASALUKUYAN bagamat siya ay kandidato na mandin ng Liberal Party bilang Representante ng Marinduque. (May kaso ng cancellation of CoC sa Comelec ang kandidatong ito dahil siya diumano ay isang U.S. citizen at iba pang mga kasinungalingan sa sinumpaang CoC).

Ayon sa contract of service, 'Free of Charge' kuno ang nabanggit na posisyon ni Regina O. Reyes. Sa totoong buhay laang naman, kapit-tuko ang mga ito sa posisyong anuman sa gobyerno dahil sa malaking kapakinabangan kahit mistulang taliwas ito sa alituntunin ng Comelec. Hawak pa rin nito ang posisyon.

Samakatuwid ay bawal. Walang humpay naman ang pag-gamit ni Regina sa pananalapi ng gobyerno, mga ekwipo at mga sasakyan, mga empleyado ng kapitolyo ng Marinduque, at mga proyekto/programa ng Provincial Government na inaako niyang kaniya o siya ang may pakana para isulong ang kanyang kandidatura. Libreng sakay para sa sarili, free ride sa maagang pagkampanya at libreng mga pakain pa mandin sa mga pobreng gasabing Reyes ang abotos.

Kasama na sa mga programang inasabi ang medical assistance, employment assistance, at scholarship program ng gobyerno.

Sa mga pangangailangang ito ng mga mahihirap at api, ay kailangang ideklara muna ng mga pobreng nangangailangan ng tulong, bago pa man sila mabigyan ng tulong, ambon o pangako, ang nag-iisang bagay. Ito ay ang kanilang pagsuporta kay "Nanay at Ate Gina". Ito ay kailangang lagdaan nila sa isang application form na may nakasaad pang kailangangan nilang pangalanan ang hindi bababa sa 20 tao na kanilang "himukin o hikayatin na sumama" sa mag-ina. Ganun ang nakasaad, basahi sa ibaba.

Kailangang makumbinsi rin ng mga pobre ang mga nakatalagang tagapagtanong na itinalaga ng mga Reyes sa kapitolyo ng Marinduque tungkol naman sa mga botanteng ahikayatin nila.




Mababasa sa 'personal information sheet' (itaas) tungkol sa paghiling ng tulong ng Kapitolyo sa pagpapagamot, trabaho, at scholarship ang ganitong kautusan bilang kapalit:
"Isulat ang at least 20 mga pangalan ng mga tao na pwede mong himukin o hikayatin na sumama sa magandang layunin ng ating lalawigan sa pamamagitan ni Nanay at Ate Gina".
Paano niya nagagawa ang ganito ng walang humpay sa kabila ng mga pagbatikos mula nung una pa? Ang mga Reyes baga na naghari at nagreyna sa Marinduque sa higit apat (4) na dekada ay masasabing mga manhid? Malamang ano? Ganito baga ang epekto diumano ng mga ganid sa kapangyarihan? Malamang din ano?
Hayaan na laang mageksplika ang mga dokumento. Basahi.

Tseke ng Provincial Government of Marinduque kay Regina Victoria Reyes-Mandanas na may petsa February 20, 2013,  para sa "refund of over withheld tax compensation for the Taxable year 2012".


No comments:

Post a Comment