Monday, 22 April 2013

Out na si Gina!


Gina Reyes, Out!

MARINDUQUE CONGRESSIONAL BET, OUT!

ABANTE NEWS ONLINE http://www.abante.com.ph/issue/apr0713/luzon01.htm#.UXYrIaLAf3s


Dahil sa pagtataglay ng American citizenship, ipi­nag-utos ng Commission on Elections (Comelec) ang diskwalipikasyon ng isang congressional candidate sa Marinduque.

Hindi lang sa citizenship sinentensyahan Si Regina Ongsiako Reyes, kundi ang kawalan nito ng “one year residency” sa tinatakbuhang distrito.

“Thus, a Filipino citizen who becomes natura­lized elsewhere effectively abandons his domicile of origin,” ayon sa re­solusyon ng Comelec na nilagdaan nina Commissioners Lucenito Tagle at Christian Robert Lim.

“In this case, there is no showing whatsoever that respondent (Reyes) had already re-acquired her Filipino citizenship… so as to conclude that she has regained her domicile in the Philippines. There being no proof that respondent had renounced her American citizenship, it follows that she has not abandoned her domicile of choice in the United States of Ame­rica,” ayon pa sa Comelec.

Si Reyes ay kandidato ng Liberal Party at anak ni Marinduque Gov. Carmencita Reyes.

Kapag tuluyang naisapinal ang desisyon ng Comelec, lahat ng botong makukuha ni Reyes sa Mayo 13 ay ikukunsi­derang stray vote.

Ang desisyon ng Co­melec ay ibinase sa ebidensya laban kay Reyes na nagsasabing American ci­tizen ito, kabilang dito ang United States passport No. 306278853 at mga biyahe nito sa US mula Oktubre 14, 2005 hanggang Hunyo 30, 2012.

Sinabi pa ng Comelec na maaari namang muling makakuha ng Filipino citizenship si Reyes para ma­ging kwalipikado sa public service -- ito ay kung sasailalim sa “oath of allegiance” sa Republic of the Philippines si Reyes sa harap ng consul-gene­ral ng Pilipinas, kasabay ng pagwaksi sa kanyang US citizenship.

“Wherefore, in view of the foregoing, the instant petition is granted. Accordingly, the Certificate of Candidacy of respondent Regina Ongsiako Reyes is hereby cancelled,” ayon sa promulgated ruling ng Comelec.

Monday, 8 April 2013

Ayon sa Bibliya: Sinumang maakit niya ay di na makakabalik sa maayos na pamumuhay




Ayon sa Bibliya: Kawikaan 2: 14-19

14
 Mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan,
ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan.
15 Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan,
sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
16 Malalayo ka sa babaing mahalay,
at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay.
17 Siya ay babaing hindi tapat sa asawa;
ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya.
18 Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan,
at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.
19 Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay,
at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay.

disqualified na pala


Reyes DQ’d

Manila, Philippines – The Commission on Elections (Comelec) has disqualified Regina Reyes, daughter of Marinduque Governor Carmencita Reyes, from running as congresswoman in next month’s midterm elections.
Reyes is running as representative of the lone congressional district in Marinduque. In its 13-page decision, the Comelec First Division ruled that Reyes is not eligible to run for public office in the province for being an American citizen.

The ineligible candidate was declared as such also for her failure to meet the one-year residency requirement for candidates.
“Thus, a Filipino citizen who becomes naturalized elsewhere effectively abandons his domicile of origin,“ the Comelec said in a resolution signed by Commissioners Lucenito Tagle and Christian Robert Lim of the First Division. (Raymund F. Antonio)

Monday, 25 March 2013

PAGTITIKA - Ang LUPAC MARINDUQUE NG BAYANG INAPI


Ganiring ganiri ang pagbibilad sa araw na ginawa ni Regina Ongsiako Reyes sa mga nanilbihan sa kanila sa Barangay Lupac noong dekada 80 na gumulantang at nagpagising sa mga taga-Marinduque. Pinagbintangan ni Regina ang mga kasambahay na nagnakaw diumano ng mga alahas sa kanilang bahay. 

Bugbog, lublub sa dagat at tinutukan ng baril ang mga pobre at maghapon silang ibinilad sa araw habang pinapanood ng mga mang-aapi.

Isang rally ang ginanap sa harap ng kapitolyo na pinangunahan ng mga residente ng Lupac mandin at sinundan pa ito ng maingay na pagprotesta ng mga alagad ng Simbahan sa ginawang karahasan ni 'Ate Gina'. Sinundan pa rin ito ng pag-iingay ng mga opisyales ng kapitolyo bagamat may kaunti silang busal sa bibig dahil panahon pa noon ng Martial Law.

Ito ang karanasang hindi makakalimutan ng mga taga-Lupac na nakasaksi at dito rin unang nakilala ang pagkatao ni 'Ate Gina'. Inihalintulad pa ng dating Governador Aristeo Lecaroz noon ang mga pangyayari na 'mas masahol pa sa panahon ng Hapon dahil aniya ay Pilipino laban sa kapwa-Pilipino ang pang-aabusong ginawa.

Magataka pa baga kita kung bakit inasuka ng mga taga-Boac ang babaeng ito na hindi kailanman humingi ng tawad sa mga pobreng inapi? Yun po naman ang patikim pa laang sa pag-gamit ng Kapangyarihan.

Dahil hindi pa alam ng mga Kabataan natin ang kasaysayang ito, sa diwa ng KATOTOHANAN basahi ngani at ipaalam sa madla para wag pamarisan:

Privilege SPEECH NI GOV. ARISTEO LECAROZ SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN laban sa ginawang karahasan ni Ate Gina at mga kasamahan.

  

Patuloy naman si Regina O. Reyes sa Pag-GISA SA SARILING MANTIKA NG MGA TAGA-MARINDUQUE, ANG BAYANG INAPI! BASAHI

Thursday, 21 March 2013

Pasakalye sa sistemang bulok ng mga Reyes ng Marinduque


Si Regina Ongsiako Reyes alias Regina Victoria Reyes-Mandanas ay itinalaga ng ina nitong governadora Carmencita O. Reyes bilang Executive Assistant for Information and Public Relations sa Provincial Governor's Office (PGO) mula April 16, 2012 HANGGANG SA KASALUKUYAN bagamat siya ay kandidato na mandin ng Liberal Party bilang Representante ng Marinduque. (May kaso ng cancellation of CoC sa Comelec ang kandidatong ito dahil siya diumano ay isang U.S. citizen at iba pang mga kasinungalingan sa sinumpaang CoC).

Ayon sa contract of service, 'Free of Charge' kuno ang nabanggit na posisyon ni Regina O. Reyes. Sa totoong buhay laang naman, kapit-tuko ang mga ito sa posisyong anuman sa gobyerno dahil sa malaking kapakinabangan kahit mistulang taliwas ito sa alituntunin ng Comelec. Hawak pa rin nito ang posisyon.

Samakatuwid ay bawal. Walang humpay naman ang pag-gamit ni Regina sa pananalapi ng gobyerno, mga ekwipo at mga sasakyan, mga empleyado ng kapitolyo ng Marinduque, at mga proyekto/programa ng Provincial Government na inaako niyang kaniya o siya ang may pakana para isulong ang kanyang kandidatura. Libreng sakay para sa sarili, free ride sa maagang pagkampanya at libreng mga pakain pa mandin sa mga pobreng gasabing Reyes ang abotos.

Kasama na sa mga programang inasabi ang medical assistance, employment assistance, at scholarship program ng gobyerno.

Sa mga pangangailangang ito ng mga mahihirap at api, ay kailangang ideklara muna ng mga pobreng nangangailangan ng tulong, bago pa man sila mabigyan ng tulong, ambon o pangako, ang nag-iisang bagay. Ito ay ang kanilang pagsuporta kay "Nanay at Ate Gina". Ito ay kailangang lagdaan nila sa isang application form na may nakasaad pang kailangangan nilang pangalanan ang hindi bababa sa 20 tao na kanilang "himukin o hikayatin na sumama" sa mag-ina. Ganun ang nakasaad, basahi sa ibaba.

Kailangang makumbinsi rin ng mga pobre ang mga nakatalagang tagapagtanong na itinalaga ng mga Reyes sa kapitolyo ng Marinduque tungkol naman sa mga botanteng ahikayatin nila.




Mababasa sa 'personal information sheet' (itaas) tungkol sa paghiling ng tulong ng Kapitolyo sa pagpapagamot, trabaho, at scholarship ang ganitong kautusan bilang kapalit:
"Isulat ang at least 20 mga pangalan ng mga tao na pwede mong himukin o hikayatin na sumama sa magandang layunin ng ating lalawigan sa pamamagitan ni Nanay at Ate Gina".
Paano niya nagagawa ang ganito ng walang humpay sa kabila ng mga pagbatikos mula nung una pa? Ang mga Reyes baga na naghari at nagreyna sa Marinduque sa higit apat (4) na dekada ay masasabing mga manhid? Malamang ano? Ganito baga ang epekto diumano ng mga ganid sa kapangyarihan? Malamang din ano?
Hayaan na laang mageksplika ang mga dokumento. Basahi.

Tseke ng Provincial Government of Marinduque kay Regina Victoria Reyes-Mandanas na may petsa February 20, 2013,  para sa "refund of over withheld tax compensation for the Taxable year 2012".


Tuesday, 12 March 2013

Ikatlo at ikaapat na pagpapakasal ni Regina O. Reyes sa ibat-ibang lalaki ay bawal sa Pilipinas at bawal din ng Simbahan


Kaso Bilang 2d Civil No. B215206 (Super Ct. No. SC031472), VENTURA COUNTY
Sa dokumentong ito sa itaas tungkol sa kasong isinampa laban kay Regina Ongsiako Reyes ng kanyang IKATLONG ASAWA na si Saturnino Roy Ador Dionisio, makikita ang impormasyon na sila ay ikinasal noong June 1997 at naghiwalay sila noong 2001. 

Ayon din dito ang usapin sa mga pagbabahagi ng pag-aari ay hindi pa naresolba. Ang isa sa kanilang negosyo ay may kinalaman sa long distance telephone service mula USA at Pilipinas sa pamamagitan ng Pacific Communication Network na nakarehistro sa ilalim ng batas ng State of Delaware. Basahi dini. 

Sa kanyang Certificate of Candidacy ay idineklara pala ni Regina O. Reyes na siya ay walang asawa o "SINGLE". Laking reklamo naman pala ni Cong. Mandanas ng Batangas na nagsabing sila raw ay kasal din. Kapag pinatunayan ni Mandanas na sila ay kasal, nangangahulugan maliwanag na apat na beses ikinasal si Regina sa apat ding lalaki. Bawal ito sa batas ng Pilipinas ngani mandin baya.