ABANTE NEWS ONLINE http://www.abante.com.ph/issue/apr0713/luzon01.htm#.UXYrIaLAf3s
Dahil sa pagtataglay ng American citizenship, ipinag-utos ng Commission on Elections (Comelec) ang diskwalipikasyon ng isang congressional candidate sa Marinduque.
Hindi lang sa citizenship sinentensyahan Si Regina Ongsiako Reyes, kundi ang kawalan nito ng “one year residency” sa tinatakbuhang distrito.
“Thus, a Filipino citizen who becomes naturalized elsewhere effectively abandons his domicile of origin,” ayon sa resolusyon ng Comelec na nilagdaan nina Commissioners Lucenito Tagle at Christian Robert Lim.
“In this case, there is no showing whatsoever that respondent (Reyes) had already re-acquired her Filipino citizenship… so as to conclude that she has regained her domicile in the Philippines. There being no proof that respondent had renounced her American citizenship, it follows that she has not abandoned her domicile of choice in the United States of America,” ayon pa sa Comelec.
Si Reyes ay kandidato ng Liberal Party at anak ni Marinduque Gov. Carmencita Reyes.
Kapag tuluyang naisapinal ang desisyon ng Comelec, lahat ng botong makukuha ni Reyes sa Mayo 13 ay ikukunsiderang stray vote.
Ang desisyon ng Comelec ay ibinase sa ebidensya laban kay Reyes na nagsasabing American citizen ito, kabilang dito ang United States passport No. 306278853 at mga biyahe nito sa US mula Oktubre 14, 2005 hanggang Hunyo 30, 2012.
Sinabi pa ng Comelec na maaari namang muling makakuha ng Filipino citizenship si Reyes para maging kwalipikado sa public service -- ito ay kung sasailalim sa “oath of allegiance” sa Republic of the Philippines si Reyes sa harap ng consul-general ng Pilipinas, kasabay ng pagwaksi sa kanyang US citizenship.
“Wherefore, in view of the foregoing, the instant petition is granted. Accordingly, the Certificate of Candidacy of respondent Regina Ongsiako Reyes is hereby cancelled,” ayon sa promulgated ruling ng Comelec.
No comments:
Post a Comment