Mababasa ang tungkol dito at kabuuhan ng desisyon ng Korte Suprema En Banc sa pagbasura sa petition ni Regina O. Reyes (GR 207264 June 25, 2013), sa Website mismo ng Korte Suprema, i-click.
Dito rin mababasa na malayo sa katotohanan ang iba pang mga pahayag. Pangunahing lumagda dito ang Chief Justice Maria Lourdes P.A. Sereno.
Bahagi:
"In her Answer, petitioner countered that, while she is publicly known
to be the wife of Congressman Herminaldo I. Mandanas (Congressman
Mandanas), there is no valid and binding marriage between them.
According to petitioner, although her marriage with Congressman Mandanas was solemnized in a religious rite, it did not comply with certain formal requirements prescribed by the Family Code, rendering it void ab initio."
Mula sa bomboradyo.com
Batay sa en banc session ng SC, ibinasura nito ang "petition for certiorari" na inihain ni Reyes kung saan hiniling nito na pigilan ang ginawang pagdiskwalipika sa kaniya ng Comelec sa pagtakbo sa nakalipas na halalan.
Sa botong 7-4-3, mayorya sa mga mahistrado sa pangunguna ni Justice Jose Perez ang nagsabing walang naging pag-abuso sa panig ng Comelec.
Apat sa kanila ang nagsabi na dapat atasan muna ang Comelec na magkomento sa petisyon bago desisyunan ang kaso, habang ang tatlong iba pang mahistrado ay nag-inhibit kabilang na sina Justices Jose Mendoza, Estela Perlas-Bernabe at Presbitero Velasco.
Si Velasco ay tatay ni incumbent Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na nakalaban naman ni Reyes sa eleksyon.
Noong Mayo, pinal na nagdesisyon ang Comelec na idiskwalipika ang kandidatura ni Reyes dahil siya raw ay American citizen.



