Mar Roxas at Gina Reyes pagkatapos ng iligal at kontrobersiyal na proklamasyon. |
Hawak daw nila si DILG Sec. Mar Roxas, dahil kaibigan daw ng pamilya lalo na ng kapatid na Edmund at kaya raw tapalan ng salapi si Mar Roxas para sa 2016, kasabay ng pagpapalabas ng larawan nina Roxas at Reyes matapos ang proklamasyon na naga-V sign. Nasa larawan ngani naman.
SALN NI CARMENCITA O. REYES |
Saan nga naman nanggaling ang salaping talamak na pinambili? DOLLARS DAW ang padala galing Canada. Bawal ang ganyan lalo. Mismong ang SIMBAHAN sa HOMILY ng mga pari pag Linggong MISA nitong mga nakaraang linggo ay sunod-sunod ang pagtatanong. Bakit anila "mas pinili ng mga taga-Marinduque ang PITONG DAAN kaysa sa MATUWID NA DAAN"? Libo pa ngani sa iba.
Si Regina O. Reyes na isinuplong ng County of Ventura sa State of California dahilan sa pag-abandona at hindi pagsuporta sa kanyang anak sa America ay may milyon-milyon kayang baon mula sa Amerika na pambili ng boto? Sa Barrick Gold nga kaya galing yaon katulad ng pagmamayabang nila?
Sa harap naman ng daan-daang estudyante at magulang nila na isinagawa kanina laang sa Boac Covered Court para sa Scholarship program ng Reyes daw, na sa pananaw ng mga nakasaksi ay pampolitikang rally, ay ipinagsigawan na wala si Regina (Gina) sa Marinduque dahil diumano ay kapulong nito sina PANGULONG NOYNOY AQUINO at SPEAKER BELMONTE ng KONGRESO SA MGA ORAS NA IYON!
Pag-gamit na ng mga pangalan yaan mandin na mas malamang sa hindi ay hindi rin totoo at ni hindi alam ng kinauukulan!
Ilang beses na bagang ipinangako ng mga Reyes noong panahon ng kampanya na 'madating si Mar Roxas', 'madating si Pnoy para itaas ang kamay ni Gina'. Wala namang dumating..
Awan laang kung mapayag na magpagamit lao't higit magpatapal ng salapi ang dalawang iginagalang at inapagpitaganang mga taong kanilang PINANGALANAN para paupuin lamang sa puwesto ang isang KUMPIRMADONG AMERICAN CITIZEN!
Hindi wari kasama yun sa mga prinsipyo ng MATUWID NA DAAN. Mapayag ka baga naman? Ay anu na sa Marinduque!
No comments:
Post a Comment