Nanalong kongresista sa Marinduque, diniskwalipika ng SC
Written by Leizl GalanPublished in Latest NewsTuesday, 25 June 2013 15:13
Mula sa bomboradyo.com
Batay sa en banc session ng SC, ibinasura nito ang "petition for certiorari" na inihain ni Reyes kung saan hiniling nito na pigilan ang ginawang pagdiskwalipika sa kaniya ng Comelec sa pagtakbo sa nakalipas na halalan.
Sa botong 7-4-3, mayorya sa mga mahistrado sa pangunguna ni Justice Jose Perez ang nagsabing walang naging pag-abuso sa panig ng Comelec.
Apat sa kanila ang nagsabi na dapat atasan muna ang Comelec na magkomento sa petisyon bago desisyunan ang kaso, habang ang tatlong iba pang mahistrado ay nag-inhibit kabilang na sina Justices Jose Mendoza, Estela Perlas-Bernabe at Presbitero Velasco.
Si Velasco ay tatay ni incumbent Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na nakalaban naman ni Reyes sa eleksyon.
Noong Mayo, pinal na nagdesisyon ang Comelec na idiskwalipika ang kandidatura ni Reyes dahil siya raw ay American citizen.
No comments:
Post a Comment