Monday, 25 March 2013

PAGTITIKA - Ang LUPAC MARINDUQUE NG BAYANG INAPI


Ganiring ganiri ang pagbibilad sa araw na ginawa ni Regina Ongsiako Reyes sa mga nanilbihan sa kanila sa Barangay Lupac noong dekada 80 na gumulantang at nagpagising sa mga taga-Marinduque. Pinagbintangan ni Regina ang mga kasambahay na nagnakaw diumano ng mga alahas sa kanilang bahay. 

Bugbog, lublub sa dagat at tinutukan ng baril ang mga pobre at maghapon silang ibinilad sa araw habang pinapanood ng mga mang-aapi.

Isang rally ang ginanap sa harap ng kapitolyo na pinangunahan ng mga residente ng Lupac mandin at sinundan pa ito ng maingay na pagprotesta ng mga alagad ng Simbahan sa ginawang karahasan ni 'Ate Gina'. Sinundan pa rin ito ng pag-iingay ng mga opisyales ng kapitolyo bagamat may kaunti silang busal sa bibig dahil panahon pa noon ng Martial Law.

Ito ang karanasang hindi makakalimutan ng mga taga-Lupac na nakasaksi at dito rin unang nakilala ang pagkatao ni 'Ate Gina'. Inihalintulad pa ng dating Governador Aristeo Lecaroz noon ang mga pangyayari na 'mas masahol pa sa panahon ng Hapon dahil aniya ay Pilipino laban sa kapwa-Pilipino ang pang-aabusong ginawa.

Magataka pa baga kita kung bakit inasuka ng mga taga-Boac ang babaeng ito na hindi kailanman humingi ng tawad sa mga pobreng inapi? Yun po naman ang patikim pa laang sa pag-gamit ng Kapangyarihan.

Dahil hindi pa alam ng mga Kabataan natin ang kasaysayang ito, sa diwa ng KATOTOHANAN basahi ngani at ipaalam sa madla para wag pamarisan:

Privilege SPEECH NI GOV. ARISTEO LECAROZ SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN laban sa ginawang karahasan ni Ate Gina at mga kasamahan.

  

Patuloy naman si Regina O. Reyes sa Pag-GISA SA SARILING MANTIKA NG MGA TAGA-MARINDUQUE, ANG BAYANG INAPI! BASAHI

Thursday, 21 March 2013

Pasakalye sa sistemang bulok ng mga Reyes ng Marinduque


Si Regina Ongsiako Reyes alias Regina Victoria Reyes-Mandanas ay itinalaga ng ina nitong governadora Carmencita O. Reyes bilang Executive Assistant for Information and Public Relations sa Provincial Governor's Office (PGO) mula April 16, 2012 HANGGANG SA KASALUKUYAN bagamat siya ay kandidato na mandin ng Liberal Party bilang Representante ng Marinduque. (May kaso ng cancellation of CoC sa Comelec ang kandidatong ito dahil siya diumano ay isang U.S. citizen at iba pang mga kasinungalingan sa sinumpaang CoC).

Ayon sa contract of service, 'Free of Charge' kuno ang nabanggit na posisyon ni Regina O. Reyes. Sa totoong buhay laang naman, kapit-tuko ang mga ito sa posisyong anuman sa gobyerno dahil sa malaking kapakinabangan kahit mistulang taliwas ito sa alituntunin ng Comelec. Hawak pa rin nito ang posisyon.

Samakatuwid ay bawal. Walang humpay naman ang pag-gamit ni Regina sa pananalapi ng gobyerno, mga ekwipo at mga sasakyan, mga empleyado ng kapitolyo ng Marinduque, at mga proyekto/programa ng Provincial Government na inaako niyang kaniya o siya ang may pakana para isulong ang kanyang kandidatura. Libreng sakay para sa sarili, free ride sa maagang pagkampanya at libreng mga pakain pa mandin sa mga pobreng gasabing Reyes ang abotos.

Kasama na sa mga programang inasabi ang medical assistance, employment assistance, at scholarship program ng gobyerno.

Sa mga pangangailangang ito ng mga mahihirap at api, ay kailangang ideklara muna ng mga pobreng nangangailangan ng tulong, bago pa man sila mabigyan ng tulong, ambon o pangako, ang nag-iisang bagay. Ito ay ang kanilang pagsuporta kay "Nanay at Ate Gina". Ito ay kailangang lagdaan nila sa isang application form na may nakasaad pang kailangangan nilang pangalanan ang hindi bababa sa 20 tao na kanilang "himukin o hikayatin na sumama" sa mag-ina. Ganun ang nakasaad, basahi sa ibaba.

Kailangang makumbinsi rin ng mga pobre ang mga nakatalagang tagapagtanong na itinalaga ng mga Reyes sa kapitolyo ng Marinduque tungkol naman sa mga botanteng ahikayatin nila.




Mababasa sa 'personal information sheet' (itaas) tungkol sa paghiling ng tulong ng Kapitolyo sa pagpapagamot, trabaho, at scholarship ang ganitong kautusan bilang kapalit:
"Isulat ang at least 20 mga pangalan ng mga tao na pwede mong himukin o hikayatin na sumama sa magandang layunin ng ating lalawigan sa pamamagitan ni Nanay at Ate Gina".
Paano niya nagagawa ang ganito ng walang humpay sa kabila ng mga pagbatikos mula nung una pa? Ang mga Reyes baga na naghari at nagreyna sa Marinduque sa higit apat (4) na dekada ay masasabing mga manhid? Malamang ano? Ganito baga ang epekto diumano ng mga ganid sa kapangyarihan? Malamang din ano?
Hayaan na laang mageksplika ang mga dokumento. Basahi.

Tseke ng Provincial Government of Marinduque kay Regina Victoria Reyes-Mandanas na may petsa February 20, 2013,  para sa "refund of over withheld tax compensation for the Taxable year 2012".


Tuesday, 12 March 2013

Ikatlo at ikaapat na pagpapakasal ni Regina O. Reyes sa ibat-ibang lalaki ay bawal sa Pilipinas at bawal din ng Simbahan


Kaso Bilang 2d Civil No. B215206 (Super Ct. No. SC031472), VENTURA COUNTY
Sa dokumentong ito sa itaas tungkol sa kasong isinampa laban kay Regina Ongsiako Reyes ng kanyang IKATLONG ASAWA na si Saturnino Roy Ador Dionisio, makikita ang impormasyon na sila ay ikinasal noong June 1997 at naghiwalay sila noong 2001. 

Ayon din dito ang usapin sa mga pagbabahagi ng pag-aari ay hindi pa naresolba. Ang isa sa kanilang negosyo ay may kinalaman sa long distance telephone service mula USA at Pilipinas sa pamamagitan ng Pacific Communication Network na nakarehistro sa ilalim ng batas ng State of Delaware. Basahi dini. 

Sa kanyang Certificate of Candidacy ay idineklara pala ni Regina O. Reyes na siya ay walang asawa o "SINGLE". Laking reklamo naman pala ni Cong. Mandanas ng Batangas na nagsabing sila raw ay kasal din. Kapag pinatunayan ni Mandanas na sila ay kasal, nangangahulugan maliwanag na apat na beses ikinasal si Regina sa apat ding lalaki. Bawal ito sa batas ng Pilipinas ngani mandin baya.


Sunday, 10 March 2013

Kanselasyon ng CoC ni Regina Reyes ng Marinduque





Home » Balita » Comelec, binaha ng disqualification case

Comelec, binaha ng disqualification case

Ni Raymund F. Antonio/ Manila Bulletin
Isang araw matapos ianunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na inalis na nito ang P10,000 filing fee sa disqualification case, binaha naman kahapon ang ahensiya ng mga petisyon na nagpapadiskuwalipika ng mga kandidato na tumatakbo sa May 2013 elections base sa iba’t ibang dahilan.

Kabilang sa mga dahilan sa pagpapadiskuwalipika ng ilang mga kandidato ay ang pagkakasintensiya sa isang krimen o pagiging isang foreign citizen.
Sa Marinduque, hiniling sa Comelec na kanselahin ang certificate of candidacy (CoC) ni Regina Ongsiako Reyes na tumatakbo sa pagkakongresista ­ dahil siya umano ay isang American citizen.
Ang reklamo laban kay Reyes ay inihain ni Joseph S. B. Tan, isang rehistradong botante ng Torrijos.
Ayon kay Tan, nakuha ni Reyes ang US citizenship noong 2005 at ito ay nagmamay-ari ng US Passport No. 306278853.
“Reyes did not apply for dual citizenship, and even if she did, there is no record that she renounced her US citizenship,“ ani Tan.
“Again, this is a ground for cancellation of her CoC since she was a permanent resident of the United States prior to her grant of US citizenship,“ dagdag ni Tan.
Nagpahayag ng pangamba ang Comelec na posibleng marami pa ang maghahain ng disqualification case dahil hindi na kailangang bumunot pa sa bulsa ng P10,000 ang mga maghahain ng petisyon laban sa isang kandidato.