Mandanas, Regina Reyes-Mandanas /Regina O. Reyes |
Ayu! Nagsalita na pala si Cong. Mandanas ng Batangas sa
Kongreso bilang tugon sa privilege speech ni Cong. Velasco. Sabi ni Mandanas: “Incidentally,
Atty. Regina O. Reyes is my canonical spouse, Mr. Speaker.” – Cong. Mandanas.
Ayu! Hindi pinaliwanag ni Mandanas kung bakit “SINGLE” ang
nilagay ni Regina O. Reyes sa kanyang CoC? Hindi rin binanggit ang legal na
basehan, dahil wala ngani, sa pag-gamit ng “Regina Reyes-Mandanas” bilang
Provincial Administrator. Simple laang mandin yun. Ay di ilabas ang marriage
contract. Ilabas ng kapitolyo para patunayan na may prinisinta si Gina bago siya ma-appoint na administrator bilang isa lamang sa maraming rekisitos.
Pero kapag may nilabas namang marriage contract ay maaaring
lalong mabaon ang mga kinauukulan. Bakit kamo?
Mga kasal ni Regina O. Reyes:
Kasal si Regina Reyes kay Magdaleno Pena sa Pilipinas.
Kinasal din si Regina Reyes kay Eddie Avellana sa Estados Unidos. Na-divorce
sila noong December 4, 1996. Kinasal namang muli si Regina kay Saturnino
Dionisio noong June 5, 1997. Na-divorce sila noong May 1, 2002.
Ano naman ang legal na basehan ng kasal diumano nina Regina
Reyes at Cong. Mandanas? Ano ang legal na basehan sa pag-gamit ni Regina ng
pangalang “Regina Reyes-Mandanas” na idineklara niya para maging miyembro ng Congressional
Spouses of the Philippines? Bakit hindi sagutin at puro paligoy-ligoy pa? "Canonical spouse"? Baka wari magalit lalo ang Opus Dei, Mr. Mandanas.
Hindi daw bad faith ang pag-gamit ng pekeng birth
certificate:
Tungkol sa iba’t-ibang taon ng kapanganakan na ginamit ni
Regina O. Reyes at pinatunayan under oath, ito ang pahayag ni Mandanas: “Probably
it falls under the vanity of a woman but with no bad faith”, sabi ni Mandanas.
“No bad faith” na maituturing ang magpresenta ng pekeng
birth certificate sa Comelec? “No bad faith” ang makakuha ng pasaporteng
Pilipino gamit ang pekeng birth certificate bilang karagdagan sa iba pang
passport gamit naman ang iba pang birth certificate?
“No bad faith” din ang gamitin ang ibang petsa ng kapanganakan
sa iyong mga kasal? At wala pa namang dibursyo sa Pilipinas, meron baga? Kayat “KASAL”
sa una o ikalawa o ikatlong asawa ang Regina dahil hindi tanggap ang dibursyo
sa Pilipinas. Kasal pa diumano sa ikaapat (Mandanas). May tawag yata sa taong
paulit-ulit ikinakasal.
“No bad faith” ang magpalsipika ng isang pampublikong
dokumento? Maari na nating gawin ngayon ang mag-falsify ng public document at
gamitin ang “vanity” bilang argumento? Aling batas kaya ang naipasa ni Mandanas
na may ganitong patakaran?
Isang mambabatas at isang gustong maging mambabatas ang
sangkot dito, kababayan. Hindi kaya masasabing ito ay malaking panglilinlang sa
mga Pilipino?
US Citizenship ni Regina O. Reyes:
Sa pagiging US Citizen ni Regina Reyes, ito ang sabi ni
Mandanas:
“At one time, she acquired US citizenship, and within one
year, she acquired back her Philippine citizenship under the Dual Citizen Law.”,
sabi ni Mandanas.
1 "Huwag
kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na
maging saksi kang sinungaling. 2. Huwag kang susunod
sa karamihan na gumawa ng masama; ni magbibigay patotoo man sa isang usap, na
ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan."
Hindi totoo ang tinuran ng ating
mambabatas. Patotoo ang record ng Bureau of Immigration sa mga pagbalik-masok
ni Regina O. Reyes sa Pilipinas gamit ang US passport niya mula 2005-2012. Mga
walong taong singkad iyon, kaibigan. Wala ring patunay na nag-apply ng Dual
Citizenship si Regina, at higit walang record na siya ay nag-renounce ng US
Citizenship. Kung paano nagkaroon ng higit sa isang pasaporteng Pilipino ang
taong ito na may ibat-ibang petsa ng kapanganakan ay may hiwalay na istorya
ng panghuhuwad.
Nanatiling tahimik diumano si Ate Gina sa usapin ng US Citizenship mula nang
may nag-petition sa Comelec na ipawalang bisa ang kanyang CoC dahilan nga po
sa pagbibigay ng mga maling impormasyon na tinataguriang material information.
Kapag ito ay sinuway ay mahuhuli ka.
Kapag mayron namang pumiyok ngani at “maging saksi kang sinungaling” ay
baka lalong umusok mandin. Bawal sa Diyos iyan.
|