Sunday, 12 May 2013

BABALA SA MGA TAGA-MARINDUQUE!

POVERTY MAP NG LALAWIGAN NG MARINDUQUE

Alam ng mga sanay sa panlilinlang kung paano paiikutin ang isipan ng mga ordinaryong mamamayan ng Marinduque. Sa mga huling sandali ng botohan ay may mga panliligaw, panlilihis, panglalansi, panloloko, pang-uuto na gagawin ang mga SUGO NG KASAMAAN!

Pakatandaan natin: Walang maaring maganap na substitution sa kaso ng isang kandidato na na-kansela ang kandidatura dahil sa mga kasinungalingan at panloloko sa Certificate of Candidacy o CoC. Magapakalat pa rin ng mga maling balita ang kampo ng nangloko sa bayan dahil sa nakasanayan na hindi maampat na gawi.

Kailangan po na matapos ang 40 taon ng paglalansi, pang-aabuso sa kaban na bayan, at pangloloko sa mga mahihirap ay MANINDIGAN NA ANG MGA BOTANTE NG MARINDUQUE! Ibaon na sa limot ang bangungot na pamana nilang mga mapagsamantala at MANINDIGAN, HARAPIN NATIN ANG BAGONG BUKAS!

TULDUKAN NA ANG PANAHON NG KAHIRAPAN AT PAGSASAMANTALA!

GOD BLESS THE GREAT PEOPLE OF MARINDUQUE!

No comments:

Post a Comment